Baguio: Pinapurihan ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian ang pamahalaang lungsod ng Baguio at ang mga organizers sa pagsasagawa ng maayos na pagpapatakbo ng Spring festival sa Baguio

    0
    12
    photo courtesy of PIO Baguio

    Baguio City – Pinurin ng Chinese envoy ang mga taga baguio at mga bisita sa pagtangkilik sa taunang pagdiririwang ng  Spring festival sa lungsod na na malaki ang maibabahagi sa pagpapahusay sa relasyong bilateral sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa gitna ng namumuong tensyon sa West Philippine Sea na sanhi ng agresibong galaw ng Tsina. 

     

    Sinabi ng naturang kinatawan ng Tsina sa Pilinas na ito ang kauna unahan niyang pagdalo sa pagdiririwang ng  Spring festival sa labas ng  the National Capital Region (NCR) at  siya ay napahanga sa paraan ng mga organizers sa paghawak ng kaganapan at sa mainit na pagtanggap ng mga tao habang ang mga sumali ay sumama sa parade sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.  Si Ambassador Xilian ay humanga sa pagpapakita ng kultura ng Cordillera at ng mga katutubong sayaw sa kasagsagan ng parade na nagpapakita ng yaman ng kulturang Filipino at ng itsik na maaring magkasama ng mahaba.

     

    Kanyang idinagdag na ang taon ng Wood Snake ay siguradong makapagbibigay ng karunugan, katatagan, at pag unlad para sa mga Tsinoys, kung sa isasaalang alang ang mga natatanging katangian ng ahas ay magbibigay daan sa mabuting relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

     

    Kung matatandaan, Si Ambassador Xilian ay ang panauhin ng lungsod ng Baguio sa panahon ng pagsasagawa ng Spring festival grand colorful parade noong Jueves ng hapong iyon na nagdala sa  59 na lumahok mula sa iba’t ibang sektor ng lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-Baguio)

     

    Leave a Reply