Baguio: Pangkat ng BENECO na sa Cagayan Valley tumulong sa Task Force Kapatid Program ng electric cooperative

    0
    32
    (Credit to BENECO)

    Baguio City – Ang mga tauhan ng Benguet Electric Cooperative ay nasa Cagayan Valley upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo ng mga probinsiya doon at maging sa mga munisipyo nasa ilalim ng Cagayan Electric Cooperative II.

    Sila ay malugod na tinanggap at binigyan ng maikling paliwanag sa CAGELCO II Liberta Sub-Office at sila ay itatalaga sa iba’t ibang lugar na sinisilbisyuhan ng CAGELCO tulad ng Abulug, Aparri West, Ballesteros sa Cagayan at ang mga bayan ng Flora, Luna, Pudtol at Sta. Marcela sa Apayao.

    Kung inyong matatandaan, ang BENECO ay nagpadala ng 11-kataong pangkat noong linggo bilang bahagi ng Task Force Kapatid upang tumulong sa pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa mga probinsiya ng Cagayan at Apayao, na dumanas ng matinding hagupit ng bagyong Marce kamakailan lamang.

    Sila ay isa sa mga electric cooperatives sa Luzon na nagpadala ng 40 line workers upang magbigay ng tulong sa Cagayan II Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO II) kasunod ng mapanirang epekto ng bagyong Marce.

    Sa kaugnay na balita, ang 11-kataong Task Force na ipinadala ng BENECO upang tumulong sa pagbabalik ng kuryente sa Cagayan ay nag umpisa ng magtrabaho sa bayan ng Ballesteros.

    Ayon kay Percival Aspillan, ang pinuno ng pangkat malakas ang ulan ngunit hindi naan tuloy tuloy kaya nakapagtatrabaho pa sila. Ang naturang pangkat ay umalis ng Baguio noong madaling araw ng linggo.

    Ang bayan ng Ballesteros sa Cagayan ay isa sa mga munisipyo sa naturang probinsiya na hinagupit ng Bagyong Marce, naging sanhi sa Cagayan Electric Cooperative, Inc. II na humingi ng tulong sa mga kapatid nitong electric cooperatives na magpadala ng kani kanilang Task Force Kapatid (TFK).

    Ang pangkat ay nag-umpisa ng magtrabaho kahapon. Sinabi ni Aspillan na ang kanilang unang destino ay ang munisipyo ng Ballesteros. Kanilang papalitan ang mga naputol na mga poste at magsagawa ng pag aayos ng mga nakasandal primary poles ng CAGELCO II’s ang backbone lines na pinabagsak ng bagyong Marce.

    Si Engineer Percival Aspillan ang namuno sa BENECO’s task forces na ipinadala noon sa probinsiya ng Abra, Albay, Catanduanes at Leyte. Ang pangkat ng BENECO ay nagdala ng sarili nilang gamit, gasoline, pagkain, first aid kits at iba pang kinakailangan mga gamit na kinakailangan sa kanilang paglagi sa naturang probinsiya.

    Sila ay bahagi ng Task Force kapatid kasama nila dito ang kalapit na mga electric cooperative tulad ng Isabela ang ISELCO 1 at 2 sa Nueva Vizcaya, ang NUVELCO at ang Quezon (QUIZELCO) na tumugon sa panawagan ng CAGELCO II’s sa pagtulong sa kanila.

    Habang ang Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) at ang National Electrification Administration (NEA). Ang nakipag ugnayan para sa pagbuo ng Task Force Kapatid. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

    (Source: BENECO)

     

    Leave a Reply