Baguio: Panawagang ng SEC sa Farm to Market Paalaga system na ito’y huminto sa kanilang gawain

0
31

(Baguio City) Nanawagan ang mga namuhunan sa Farm to Market paalaga System sa Chief Executive Officer nito na si Ginoong Kono Maximo Lazaro Salinas na makialam na sa sigalot na nagyayari sa kanilang negosyo sa isang press conference na ginanap sa ikalawang palapag ng Luisa’s Café sa lungsod ng Baguio noong Viernes ng umaga. Si ginoong kono Maximo Lazaro Salinas ay isang 34 na taong na matagumpay na negosiyante sa larangan ng pagbili at pagbenta ng mga sasakyan at pumasok na rin sa negosyo sa larangan ng agrikultura kasama dito ang Farm to Market na negosyo sa pagbababoy, pagmamanukan, pag alaga ng baka at mga palayan. Ito ay kasunod ng babalang ipinalabas ng Security and Exchange Commission na huwag na mamumuhan sa naturang negosyo. Sinabi ng Security and Exchange Commission na ang naturang kompanya ay hindi rehistrado at walang pahintulot mula sa kanila upang mangalap ng pamumuhunan sa publiko. Dahil sa babala ng Security and Exchange Commission ay marami ang umatras sa pamumuhunan mula sa malaki at maliit na mamumuhunan. At patuloy pa umano ang ilan sa mga liders at mamumuhunan ng kompanya  na humihiling na magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari sa kanilang ipinuhunang pera. Ang iba ay humihiling na ibalik na lamang ang kanilang pera ipinamuhunan. Naiipit umano ang mga liders, recruiters at mamumuhunan  na ingganiyo na mamuhunan sa naturang Negosyo. Nagbanta umano ang mga ito na kung hindi ibabalik ang kanilang puhunan, mapipilitan silang magreklamo sa National Bureau of Investigation. Bilyong piso umano ang nakuhang puhunan sa mga namuhunan dito mula Luzon, Visayas at Mindanao.Samantala, Binigyan ng desist order ng Securities and Exchange ang mga himpilan ng Radyo sa buong bansa  na huwag ibroadcast ang kanilang panghihikayat na mamuhunan sa naturang kompanya. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIA-Cordillera)

 

Leave a Reply