Baguio: Pamahalaang lungsod ng Baguio napansin ang pagtaas ng koleksyon sa buwis sa pamamagitan ng Business permit

0
17
photo courtesy of PIO-Baguio

Baguio City – Ang pamahalaang Lungsod ng Baguio ng pagtaas ng halaga ng koleksyon mula sa business permits. Ayon sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ang nakolektang bayad mula sa business permit noong nakaraang taon ay tumaas sa  P550,394,534 na tumalo sa kabuang taunang koleksyon noong nakaraang anim na taon.  Habang ang mga naprocesong permits ay tumaas ng mahigit sa 24,843 in 2018 at ng panahon ng pandemiya sa 27,992 noong nakaraang taon.

 

Sinabi din ng naturang opisina na ang bayarin at buwis nakukuha sa Business Permit ay unti unting tumataas sa paglipas ng mga taon sa kabila ng pagbasak ng ekonomiya dala ng pandemiya sa covid noong taong  2020. Ang pamahalaang lungsod ng Baguio ay parating nabibigyan ng parangal bilang  the Most Business-Friendly Local Government Unit sa nakaraang taon na ibinibigay taon taon ng Philippine Chamber of Commerce and Industry. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply