Baguio: Pagtulong sa liblib na lugar sa para mapahinto ang pagtatanim ng illegal na droga

0
9

Patuloy ang programa nina Police Regional Director – CAR Police Brig. General David K. Peredo Jr. sa paghabol ng ilegal na droga sa Cordillera Region. Ito ang kanyang pahayag sa ginanap na Kapihan sa Kampo Dangwa Kahapon ng Hapon sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Galak na galak siya na ang kanyang mga tauhan sa Rehiyon ay patuloy na gumagawa ng kanilang tungkulin upang matigil ang ilegal na droga.

Anya may mga solusyon sila upang maputol ang pagtatanim sa liblib na lugar ng rehiyon katulad ng sa Tinglayan, Kalinga kung saan nasamsam nila ang libu-libong tanim na Marijuana bagamat hindi nila nahuli ang mga cultivators. Kanyang sinabi na sana ay pag-ukulan ng pansin ng gobyerno na gumawa ng daan sa naturang liblib na lugar upang hindi na makapagtanim ng marijuana ang mga naroon kundi magtanim na lamang ng mga gulay.

Anya, pagnatatanawan na sila ng mga cultivators, umaalis na sila sa mga plantation sites. Kaya sabi niya na kaya wala kaming nahuhuling cultivators. Kanyang idinagdag niya pa, kinakailangan ang tulong ng lahat ng sektor ng lipunan upang mapuksa ang naturang ilegal na pananim.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PRO-Cor)

Leave a Reply