Baguio: Pagtatayo ng perimeter fencing o bakod sa Puguis Communal Forest, maisasagawa na

0
21

La Trinidad, Benguet – Matutuloy na maisasagawa ang perimeter fencing project o ang pagbabakod para sa Puguis Communal Forest ngayong taon. Ito ay ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Arthur Pedro, bilang bahagi ng pangangalaga ng kagubatan at ng watershed conservation ng naturang munisipio.

Sinabi ni Pedro nararapat lamang itong gawin upang hindi makapasok ang mga squatters na magsagawa ng mga illegal na gawain na makakasira sa nasabing communal forest. Sinabi niya na aabot sa tatlong milyong piso ang nakahandang pondo para sa nasabing proyekto.

Matatandaan na nag umpisa ang pagbabakod noong taong 2021 at ito ay naponduhan ng isang milyong piso.  Samantala, patuloy na sinusuportahan ng Sangguniang Bayan ng La Trinidad ang pagbabakod ng Puguis Communal Forest. (Joel Cervantes, photo courtesy of MENRO La Trinidad)

Leave a Reply