31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Pagpugay sa namayapa na 3 term Mayor ng Itogon, Benguet

- Advertisement -

Itogon, Benguet – Ibinigay ni Itogon Mayor Bernard Waclin kay Jofelia Palangdan, ang asawa ng dating Mayor Victorio Palangdan ang watawat ng pilipinas sa Beleng, Tuding noong Viernes (Pebrero 10, 2023).

Pinangunahan nila ang paglagay ng watawat ng Pilipinas sa kabaong ng dating punong ehukutibo.  Ito ay dinaluhan din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ng miyembro ng Itogon Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Dax Godio.

Inaasahan ang pagpapahatid ng mga iba pang opisyal ang kanilang pagdadalamhati. Matatandaan na nagsilbi ang dating mayor Victorio Palangdan ng 23 taon bilang prosecutor ng Benguet office at nagsilbi ng tatlong termino bilang municipal mayor ng Itogon, Benguet.

Si Palangdan ay sumakabilang buhay noong Pebrero a 9, 2023 at ililibing sa Sibal Tuding ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 15, 2023. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -