Baguio City – Ang Bureau of Fire Protection Cordillera (BFP-CAR), sa pakikipagtulungan ng mga regional line agencies at private partners ay naglungsad ng “Oplan Paalala Iwas Paputok 2023” noong unang araw ng biernes ng buwang ito na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”.
Ang isang buwang kampanya ay nag umpisa sa sabay sabayna pag ihip ng torotot sa lahat ng mga firefighting apparatus at isang motorcade mula sa Marcos Highway (Kitma/Crystal Cave), pumasok sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Baguio, La Trinidad, Benguet, at nagtapos sa BFP-CAR Regional Headquarters sa La Chesa Road, Purok 4, Irisan, lungsod ng Baguio.
Hinikayat ni BFP Regional Director FSSUPT Robert Pacis ang lahat na umiwas sa paggamit ng paputok ngayong kapaskuhan at sa parating na Bagong Taon na kanyang ipinaalaala na karamihan sa insidente ng sunog ay nangyayari sa panahon ng kapaskuhan at ng Bagong Taon at hindi sa Fire Prevention Month ng March.
Sumama sa motorcade ang mga kinatawan ng DILG-CAR, DOH-CAR, BJMP-CAR, PIA-CAR, DSWD-CAR, at ang Sunshine Fire Volunteers. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)
