35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Baguio: Pagpaparami ng runners ng snow white strawberry, hangad ng munisipio ng Trinidad

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Hangad ng lokal na gobierno ng La Trinidad sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) na maparami ang produksion ng snow white strawberry sa munisipyo sa pamamagitan ng mga runners nito sa pakikipagtulungan ng Benguet State University (BSU).

Sinabi ni Municipal Agriculturist Officer Nida Organo ito dahil sa marami sa mga magsasaka at mga mamimili ang nagkakainteres sa white strawberry. Ito ay base sa mga natatanggap nilang feedback sa isinagawang “taste test” sa publiko sa pagbubukas ng Strawberry Festival.

Kanyang idinagdag na sa katatapos lamang na Search for the Sweetest Strawberry sa La Trinidad, nakilala ang white strawberry bilang pinakamatamis o sweetest mula sa ibang variety sa pamamagitan ng paggamit ng refractometer ang panukat ng sugar content ng mga strawberry.

Sinabi ni Organo na patuloy ang pakikipag ugnayan nila sa Benguet State University para sa white strawberry tissue culture upang maparami at maipamahagi ito sa mga magsasaka na gustong magtanim ng nasabing variety. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -