Bubuksan ng Teachers Camp ang interior road nito na nag-uugnay sa Leonard Wood Road at South Drive Road sa mga pribadong behikulo simula ngayong araw hangang sa Enero a 13 ng susunod na taon mula alas 5 ng umaga hangang alas 9 ng umaga at 5 ng hapon hangang alas 9 ng gabi sa weekdays at 9 ng umaga hangang alas 9 ng gabi sa weekends.
Ito ang napagkasunduan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kahilingan ni Mayor Benjamin Magalong na buksan ang naturang daanan bilang kahaliling ruta upang maibsan ang trapiko sa naturang lugar lalo sa panahon ng Kapaskuhan. Ang naturang kasunduaan ay ipapairal kung may paraan na masubaybayan ng mga kapulisan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng naturang lugar, ng mga motorist at ng mga taong papasok sa Teacher’s Camp.
Ito na ang ikatlong beses na ang Department of Education Secretary ay pumayag sa kahilingan ng lokal na gobyerno na ang alternatibong ruta ay mabuksan sa madla. Kung inyong matatandaan, pumayag din si Duterte sa panawagan ng lokal na gobyerno noong nakaraang taon upang tugunan ang pagdami ng bisita at muli noong nakaraang Mayo para sa summer vacation ng mga bisita at maging ng mga taga ibang bansa.
Samantala, sinabi ni Baguio City Police Office Traffic Enforcement Unit Chief PMaj. Zacarias Dausen na ang pagbubukas ng inner road ay makakatulong ng malaki sa pagbawas ng trapiko sa naturang lugar tulad ng Ilusorio Drive and Pacdal Rotunda.
(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)
