Baguio: Pagbigay ng regalo sa mga bata sa isang barangay sa Bokod, Benguet isiganawa ng kapulisan

0
6

Bokod, Benguet – Mahigit sa 70 mga bata sa Bobok-Bisal, Bokod ang nagbenepisyo sa gift-giving na isinagawa ng tauhan ng Municipal Police Station sa nasabing munisipio sa araw ng Pasko, December 25, 2022.

Ayon kay Acting Police Chief ng Bokod Municipal Police Station Police Captain Gilbert Anselmo, kasama sa mga regalo na ipinamigay ay mga school supplies at snacks.

Ang nasabing gawain ay bahagi ng programa nila na ang KASIMBAYANAN na ang nakinabang ay ang mga indigent members ng kumunidad. Ibinahagi nila ang kanilang nakalap na pondo para sa gift giving at nagmula ang pondo mula sa sarili nilang mga bulsa kasama ang mga tauhan ng Bokod Municipal Police Station.

Samantala, maliban sa gift-giving, nagsikantahan ang mga ito na bahagi ng pagsasagawa ng Best Practice ng kanilang opisina nila na “Ang Pulis ko, Panikakanta ko”. (Joel Cervantes, photo courtesy of Bokod MPS)

Leave a Reply