Baguio: Pagbaba ng kahirapan sa bansa, tinutukan ng DOLE ayon kay Secretary Laguesma

0
1
DOLE Sec. Bienvenido Laguesma

Sa pagbisita ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa Baguio City ito’y kaniyang sinabi na tututukan nila ang pagbaba ng kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t-ibang hakbang upang matulungan ang mga mamamayan. Nasabi niya ito sa pagbisita niya sa lungsod ng Baguio kamakalawa ng Disyembre 2022. Ayon sa kanya, tutukan nila ang pagpaparami ng trabaho sa pakikipagtulungan nila sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Technical Education and Skills Development Authority o ng TESDA. Sinabi niya na kasama ito sa kanilang binubuong training o pagsasanay on production with employment assistance na naisagawa na sa mga naapektuhan ng lindol sa rehiyon ng Cordillera, Rehiyon Uno at Dos. Kanyang binigyang diin ang karagdagang skills training tulad ng carpentry, wiring at ng iba pa na kanilang magagamit at kung magkakaroon sila ng trabaho sa ibang bansa. Sinabi rin niya na patuloy ang pagsasagawa ng TUPAD Programs para sa mga nangangailangan ng livelihood assistance. Aniya, kanilang ginagawa ang kinakailangan upang maitaas ang employment rate dito sa ating bansa.

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU – Baguio)

Leave a Reply