Baguio: Pag ulan ng malakas na may yelo sa hapon ng Oct. 9, 2022 naranasan

0
11

(Baguio City) Ang session road Baguio City ay nakaranas ng malakas na pag ulan noong linggo ng Hapon. Ayon sa mga naka usap ng RPN NEWS Baguio, tila daw parang bagyo ang kanilang naranasan habang sila ay namamasyal noong hapong yaon. Ang paninda ng mga nagtitinda ay nabasa pa at ang ibang stalls inanod sa kasagsagan ng isang oras na pag ulan.

Ang iba ay na dismantle ang kanilang tent sa kalsada.  Subalit, makalipas ang isang oras, animo ay parang walang nangyari dahil sa mabilis na pagsasa ayos ng mga kinauukulan. Maliban, dito naiulat din na bumagsak ng hail storm o yelo na kasama sa pag ulan na kadalasan lamang nangyayari ito sa mga panahon ng tag init. Ngunit, noong araw ng  linggo ng hapon, na isa lamang sa mga normal na araw, nangyayari ang di inaasahan, ang ulan na may kasamang yelo na mas malaki pa sa hollen.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to LGU Baguio City

Leave a Reply