Baguio City- Mt. Province – Nakipagpulong si Police Regional Office –Cordillera Regional Director Police BGeneral David K. Peredo Jr., sa mga opisyal ng Sagada sa probinsiya ng Mountain Province kamakalawa upang pag usapan ang ang kasalukuyang situasyon ng naturang munisipyo.
Kanilang tinalakay ang situasyon sa kapayapaan at kaayusan, ang kasalukuyang antas ng krimen, ang pagsisikap na mapababa ang bilang ng krimen, at ang iba’t ibang paraan upang mapabuti ang kredibilidad at ang pagtitiwala sa mga lokal na otoridad sa naturang munisipalidad. Nagkaroon din ng open forum sa naturang pagpupulong upang magtanong sa mga isyu at problema.
Samantala, hinikayat ni Peredo ang mga dumalo na. Suportahan ang mga programa ng Philippine National Police sa pagbibigay diin na ang kanilang panagsama sama pagsisikap ay masusukat hindi lamang ng kawalan ng krimen ngunit sa pamamagitan ng pakiramdam ng seguridad at kagalingan na ang bawat residente at bisita sa Sagada. Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan din ng municipal mayor ng Sagada na si Felicito Dula, na siya ring Chairperson ng Municipal Peace and Order Council, ang punong barangay mula sa 19 na barangay ng Sagada, ang mga kinatawan ng iba’t ibang line agencies, ang Non-governmental organizations at maging ng mga naninirahan doon.
Naroon din si PCol Ferdinand N. Oydoc, ang Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office; si PLTCOL CAROLINA F LACUATA, ang hepe ng Regional Public Information Office; si PLTCol Dominga L Terrado, ang Assistant Division Chief ng Regional Investigation and Detective Management Division; at si PCPT James L. Pangog, ang hepe ng Sagada Municipal Police Station. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)