Saturday, May 4, 2024

Baguio: Paabiso sa opisina ng DOTr-CAR ng bagong Regional Director

- Advertisement -

Ito ang ipinahayag ni Attorney Joshua Pablito, ang namumuno ng Department of Transportation- Cordillera (DOTr-CAR) na aabutin sa 16,884 na mga plaka ng mga sasakyan ang hindi pa nila nabibigay sa mga may ari ng sasakyan. Ayon sa kanya, ito ay dahil sa hindi pa sila naka imprenta o nakatapos sa paggawa sa mga license plate. Ang iba pa na hindi naipadala sa opisina nila dito sa Cordillera na siyang dahilan kung bakit wala pa silang ipinamamahagi.

Base sa datos nila ang mga plakang naipamahagi nila mula noong 2015 hangang 2023 ay ang mga plaka na may ending na ” 4, 5, 6 at 9 habang ang mga “ending in zero” ay ang mga plaka na hindi pa nai-deliver.

Inamin niya na marami pang mga plaka ang nananatili sa kanilang opisina na hindi pa kinukuha ng mga may-ari. Dahil dito ay kanilang napagkasunduan na ipadala na lamang ang mga plaka sa mga bahay-bahay ng mga may-ari ngunit may kakulangan sila sa “logistics” tulad ng pera o pinansiyal, transportasyon at ng iba pa, gayun din ng mga tauhan na mamamahagi.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nila alam kung kaya nilang gawin ang ginawa ng district offices nila sa Apayao at Ifugao. Nanawagan siya sa mga may-ari na magtungo sila sa kanilang opisina upang makuha nila ang plaka ng kanilang sasakyan.

(Joel Cervantes, photo courtesy of Atty. Joshua Pablito file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img