Baguio: Organic farming, itinataguyod at tinatangkilik ng LGU LaTrinidad, Benguet

0
6

La Trinidad, Benguet – Itinataguyod at tinatangkilik ng lokal na gobierno ng La Trinidad, Benguet ang pagtataas antas ng organic agriculture sa naturang munisipyo.

Ayon kay Councilor John Botiwey, ang Chairman ng Committee on Agriculture, plano nilang magpadala ng mga organic practitioners sa mga lugar dito sa Pilipinas upang makapag aral ng iba’t ibang best practices na maaring gamitin sa pagtatanim.

Sinabi din ni Botiwey na hangad nilang magpadala sa Bongabong o sa lugar na tinatawag bilang organic farming capital ng Oriental Mindoro. Kanyang ibanahaging personal ang pagbisita nila roon at nakitaan nila ang magagandang produkto na nagmula sa organic agriculture katulad ng mga prutas, gulay kahit na ang livestock katulad ng baboy at iba pa.

Samantala, bilang pagsuporta sa organic agriculture, inyong maalala sa mga nakaraang buwan ng Hunio ay nailunsad ang Oganic Product Market Day sa La Trinidad, Benguet kung saan maisagawa tuwing araw ng Biyernes sa Municipal Park bilang bahagi ng provision ng “La Trinidad Organic Agriculture Ordinance”. Nais ng nasabing programa na maitaas ang organic products ng mga magsasaka ganon din sa kalusugan at ang healthy living. (Joel Cervantes, photo courtesy by Frederick Tao-ing)

Leave a Reply