Baguio: Ordinansa na maglilimita sa pagtitinda ng chicken dung sa La Trinidad, inimungkahi

0
4

La Trinidad, Benguet – Inimungkahi ng Municipal Legal Office ang pagbuo ng isang ordinansa na maglilimita sa pagtitinda ng chicken dung sa Munisipyo ng La Trinidad.

Ayon kay Atty. Victor Singa, ang Municipal Legal Officer ng La Trinidad, makatulong ito upang mabigyang solusyon ang matagal na isyo tungkol sa pangangalakal ng chicken dung sa nasabing munisipyo. Sinabi niya na maaring makakolekta ng regulatory fees at parusa ang munisipyo sa oras na maipasa ang ordinansa kaugnay dito.

Anya magsisilbi ang nasabing ordinansa bilang guiya na pagbabatayan ng chicken dung trade operations sa La Trinidad. Idinagdag ni Atty. Singa mayroon binubuong silang draft ng recommendation na maibibigay sa Sangguniang Bayan na batayan sa pagbuo ng ordinansa.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtitinda ng chicken dung sa Shilan sa kabila ng ipinalabas ng munisipyo na closure order para sa mga ito. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply