Tuesday, May 7, 2024

Baguio: Orchids farming, ipinanukala kapalit ng pagtatanim ng marijuana sa Cordillera

- Advertisement -

Baguio City – Ipinanunukala ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera ang pagtatanim ng orchids bilang kanilang stratehiya o paraan upang maipahinto ang pagtatanim ng marijuana sa rehiyon.

Ayon kay PDEA-CAR Regional Director Gil Castro, ang nasabing panukala ay kanilang sinabi sa Dangerous Drugs Board at kasalukuyang nirerepaso ito bilang alternatibong pagkabuhayan ng mga mamamayan doon.

Sinabi niya na ang nasabing paraan ay ginaya nila sa Thailand na maari ring tularan dito sa Cordillera.

Sinabi niya na ang isang tangkay orchid flower ay kapareho ng presyo ng isang piraso ng marijuana bricks. Kanyang idinagdag na dahil sa suporta ng gobierno doon ay naging matagumpay napahinto ang pagtatanim ng Marijuana at napalitan ito ng pagtatanim ng orchids.

Sinabi ni Castro na inaasahan niya na susuportahan ng gobierno ang social development plan ng nasabing panukala upang manatiling magkaroon ng bibili ng orchids sa sandaling magtagumpay ito.

Karagdagan dito ang paraan na ipinanukala ng PDEA sa Dangerous Drugs Board at ang pagtatanim ng kape at ang gawing legal ang marijuana. (Joel Cervantes, photo courtesy of PDEA-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img