Baguio: Operation ng kapulisan sa anti- illegal gambling nagpositibo

0
14

(Baguio City-Tabuk city) Apat na katao ang nahuli sa inilunsad na Anti-illegal gambling operation na isinagawa ng kina ukulan sa Sitio Mapaoay, Barangay Ipil, Tabuk City, Kalinga. Ito ay ka -ugnay sa impormasyon na may nagaganap daw na illegal na pasugulan sa nasabing lugar.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagka arresto ng apat na katao at nahaharap sa paglabag ng P.D 1602 o tinatawag na Illegal Gambling, Samantala ang isa naman ay nahaharap sa paglabag ng Republic Act  10591 o ang tinatawag na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Naumika din sa naturang operasyon ang isang caliber 45 na baril ,isang magazine na puno ng 12 buhay na bala, isang black holster, 3 piraso ng drop balls, gambling money na nagkakahalaga ng 1,440 pesos at isang drop ball table. (RPN–Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to PNP Tabuk City

Leave a Reply