Baguio: National Irrigation Administrative sa Cordillera naka tutok sa mga falisidad nito

0
4

(Baguio City) Ang National Irrigation Administration Cordillera ay nag ulat na ang mga Operation and Maintenance personnel nito ay patuloy na nag momonitor sa mga Irrigation system nito sa rehion Cordillera. Napag alaman ng RPN News Baguio, na walang napa ulat na pagka sira ang Irrigation facilities nito. Sa West Apayao-Abulog Irrigation System, ang dam gate nito ay binuksan. Samantalang ang main canal intake gates ay isinarado .

Sa kabilang dako, ang UCRIS Kalinga or ang Upper Chico River Irrigation System, ang main canal intake gates ay tuluyang isinarado. Samantala, ang NIA calamity task force ay patuloy na nakikipag ugnayan sa iba’t ibang Provincial Disaster Risk Reduction Management sa rehion upang makakuha ng mga ulat patungkol sa mga irrigation facilities nito. (RPN –Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to NIA-CAR

Leave a Reply