Baguio: Nanira ang Kalinga PPO ng mahigit sa P4.4M na halaga ng illegal na druga at nahuli ang dalawang hinihinalang tulak ng druga

0
7
photo courtesy of PRO-COR

Tinglayan, Kalinga – Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng anti-illegal drugs ng PNP, may kabuang Php4,486,100.00 halaga ng illegal na druga ang nasamsam at dalawang tulak ng druga ang nahuli sa Kalinga noong Mayo a 10, 2024.

Sa Tinglayan, isang operasyong ng pagsugpo ng Marijuana ang isinagawa ng magkasanib na pangkat ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at iba pang grupo ng maykapangyarihan at ng PDEA-Kalinga ang naging sanhi ng pagkakadiskubre ng 12,000 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php2,400,000.00 sa Brgy. Loccong.

Samantala sa Tabuk City, isang search warrant ang isinilbi ng magkatuwang na operatiba ng Tabuk City Police Station, 1st Kalinga PMFC at iba pang operatiba ang naging sanhi ng pagkakaaresto ng isang 62-taong gulang na lalaki nakatala bilang Street Level Individual matapos ang pagkakadiskubre ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang sa 300 gramo at nakakahalaga ito ng Php2,040,000.00; 55 miligram ng marijuana oil na nagkakahalaga ng Php12,100.00; isang 5.56mm M16A1 COLT AR15 na naglalaman ng 13 buhay na bala, isang magazine para sa 5.56mm na baril na may 8 buhay na bala, 7 mahahabang magazines para sa 5.56mm na baril at tatlong kahon na naglalaman ng; 90 buhay na bala para rin sa nasabing baril, sa mismong tahahan ng suspek sa Barangay Nambaran.

Ang mga suspek at ang nasamsam na ebidensiya ay dinala na Tabuk Community Police Station para madokumento at magawa and kaukulang disposisyon. Humaharap ang mga suspek sa salang paglabag ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply