Baguio: Nagpahayag ang mga Beneco Board Directors ng mga mas mahigpit ng mga hakbang laban sa mga nakalaylay na kawad

0
30
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang BENECO Board of Directors ay nagpahayag ng mahigpit na mga hakbang na ipapataw sa mga may-ari ng mga nakalaylay na kawad o cable na patuloy na nagbibigay ng masamang imahe sa naturang kooperatiba maliban sa sumisira sa hangarin ng lungsod na gawin ang mga kalye na ligtas at hindi nakakasira sa kapaligiran.

Gusto ng mga director ang tinatawang na joint pole agreement (JPA) na pinirmahan ng BENECO at ang mga cable at telecommunication companies na repasuhin upang malaman kung paano pa mapapaganda ang mga panuntunan patungkol sa mga kawad at kable naligaw.

Sa mga anim na utility companies na pumirma ng JPA sa BENECO, muling iniulit ni BOD chairperson Steve Cating, ang kanilang napansin na ang mga kompanyang iyon ay kanilang tinatakasan ang kanilang obligasyon na ayusin ang kanilang kawad o kable naging magulo o ang hindi nila pagpapadala ng maintenance crew sa panahon ng kagipitan.

Ang pamunuan ng Beneco ang nagsabi sa board sa kanilang pagpupulong na hindi niya napapabayaan na ipaalala sa mga utilities o telco na mga ito bilang nangungupahan ng poste ng Beneco nakasaad sa kasunduan lalo na patungkol sa pagiging malinis ang kanilang pagkakabit ng kable o kawad sa poste nito.

Ikinalugod ng opisyal ng Beneco ang Chat group kabilang sa kompanya ng kable at BENECO sa pagkukusa ng opisina ng Mayor ng Lungsod ng Baguio na nag alok ng platform upang direktang makipag-ugnayan sa mga kompanya ng cable at telecommunication upang ayusin ang kanilang nakalaylay na kawad o kable. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply