Bangued, Abra – Nadiskubre ang arsenal matapos makatanggap ang otoridad ng tip mula sa isang residente na humantong sa pagkakadiskubre ng anim na granada, dalawang M16 rifle upper receivers, 22 blasting caps, at bulto ng materyales na gamit sa paggawa ng improvised explosive devices o IEDs.
Sinabi ng WILDCAT Battalion ng Philippine Army na mga ganitong gawain ng CPP-NPA-NDF communist terrorist group ay isang maliwanag na paglabag sa International Humanitarian Law.
Patuloy ang pagsasagawa ng operasyon ng tropa ng gobierno upang matiyak ang kaligtasan ng mga kommunidad laban sa mga paraan ng naturang kommunistang terroristang grupo. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Abra)
