Baguio: Munisipyo ng La Trinidad, Benguet ipagdidiwang ang Strawberry Festival 2023

0
9

La Trinidad, Benguet – Minsan pang kinilala ng mga opisyal ng munisipio ng La Trinidad sa ilalim ng pamumuno ni Municipal mayor Romeo Salda ang mga ibinahagi ng mga magsasaka ng strawberry ng La Trinidad, Benguet.

Ito ay sa patuloy nilang pagtatanim ng strawberry bilang one town one product ng munisipyo.

Sinabi ni Mayor Salda, kasama ang mga manananim ng strawberry sa dahilan kung bakit ipinadiririwang ng munisipio ang Strawberry festival 2023.

Ayon sa naturang mayor na kung wala ang pananim na strawberry ay wala rin maihuhurnong na higanteng strawberry short cake na nakatala sa Guiness World Book of record naging dahilan upang maging tanyag ang La Trinidad sa buong mundo.

Maliban diyan, nagpasalamat sa Benguet State University sa patuloy nitong supporta at pagtulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng makabagong teknologia at mga pagbabago o innovation upang mapaganda ang produksyon ng strawberry sa naturang munisipio. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)

Leave a Reply