Baguio City – Kapangan, Benguet – Ginunita ng munisipyo ng Kapangan ang tinatawag nitong Kapangan Liberation Day sa Lomon, Paykek, Kapangan, noong Araw ng Biernes noong nakaraang linggo. Ang pagdiririwang ng liberation day ay dinaluhan ni National Executive Vice President ng Veterans Federation of the Philippines –Sons and Daughters Association o VFP-SDAI na si ginoong Miguel Angelo C. Villareal, bilang panauhing pangdangal.
Ang kaganapan ay dinaluhan din ng VFP-SDAI Benguet sa pangunguna ni Dra. Ermilinda Guinaran, ang USAFIP-NL sa pamumuno ni Ginang Teresa Pomar, ang Philippine Veterans Affairs Office sa pamumuno ni led by Ginang Cherrelyn Sabling, ang mga VFP-SDAI District Offices, opisyal ng munisipyo at ng mga Barangay. Nakatuon sa kaganapan tulad ng parada, ang seremonya ng pagaalay ng bulaklak 21-gun salute, tayaw at ang sadong, ang kultural na pagtatanghal mula sa mag aaral ang mensaheng nagbibigay inspirasyon sa mga espesial na mga bisita at ang pagkilala sa mga buhay na beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Benguet)
