Baguio: Mga tanim na marijuana binunot at sinunog sa Bontoc, Mt. Province

0
8

Bontoc, Mt. Province – Umaabot sa P36,800.00 ang kabuang halaga ng tanim na marijuana ang binunot ng mga may kapangyarihan sa probinsiya ng Mountain Province itong mga nakaraang araw lamang.

Sa kasabay ito sa ipinatupad na marijuana eradication operations o ang pagpuksa sa tanim na marijuana sa isang communal forest sa Mainit, Bontoc. Ang mga tanim na marijuana ay binunot at sinunog ng mga tauhan na nagsagawa ng operasyon doon sa pinagtamnan ng illegal na mga tanim.

Limang pirasong ganap na laking marijuana ang dinala sa crime laboratory ng Police Regional Office Cordillera para sa forensic Laboratory examination.

Batay sa ulat ng Mt. Province Police Provincial Office, walang nahuling manananim sa naturang Marijuana eradication. (Joel Cervantes, photo courtesy of Mt. Province Police PIO page)

Leave a Reply