Baguio: Mga taga-Kapangan, Benguet susunod na sa 4 o’clock habit

    0
    15
    photo courtesy by Mika Cervantes

    Kapangan, Benguet – Hinikayat ni Kapangan Municipal Mayor Manny Fermin ang kanyang mga kababayan sa naturang munisipyo ang pagpapatupad ng “4 O’CLOCK HABIT” araw-araw upang hanapin at sirain ang pinamumugaran ng lamok sa kanikanilang lugar na-aayon sa Memorandum No. 43-2024.

    Ang ginawang hakbang na naturang alkalde ay bilang pagsunod sa batas–ang Anti-Dengue Act of 2011 at ang National Dengue Prevention Campaign ngayong taon.

    Samantala, upang maipatupad ang kautusan, ang lokal na pamahalaan ng Kapangan ay magpapatunog ng sirena bawat alas kuatro ng hapon upang bigyan babala ang mamamayan doon na kanila nang isagawa ang 4 oclock habit.

    Nanawagin din ang alkalde na tumulong sa ating mahal sa buhay, miyembro ng ating pamilya, kaopisina, kapitbahay at maging ng ating sarili na ligtas sa Dengue. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

    (Source: PIO Benguet)

    Leave a Reply