31.1 C
Manila
Wednesday, February 21, 2024

Baguio: Mga Punong Barangays sa Siudad ng Baguio dumalo sa Assembliya ng Commission on Human Rigths ng Cordillera

- Advertisement -

Hinikayat ni Mayor Benjamin Magalong, ang mga Punong Barangay at Barangay Human Rights Action Team (BHRAcT) Federation officers na dumalo sa  General Assembly na isinaayos ng Commission on Human Rights-Cordillera Administrative Region (CHR-CAR) sa City Disaster Risk Reduction Managemement Office (CDRRMO) building, Lower Rock Quarry, sa darating na Martes, Disyembre a 5 ng taong ito.

Sa sulat kay Mayor Magalong, inihayag ni CHR Regional Dir. Romel Daguimol na buong araw na gawain ay magsisilbi bilang patuloy na gawain sa pagbuo ng kapasidad  ng Barangay Human Rights Action Center Program dito sa Lungsod ng Baguio. Isa pang hangarin ng naturang gawain, idinagdag ni Daguimol ay upang i-update ang mga kasapi ng Baguio City Federation of BHRAcTs  o ang  Barangay Human Rights Action Team.

Kasama sa pag-uusapan sa naturang assemblia ang Human Rights in Good Local Governance; Basic Concepts and Principles of Human Rights and State Obligations; Updates from the Baguio City Committee on Laws and Human Rights; at marami pang iba.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -