Baguio City – Apayao Province – Nagluluksa ngayon ang pamunuan at tauhan ng Apayao Provincial Police Office sa pagkamatay ng tatlo nitong tauhan habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Sila ay kinilala bilang sila Patrolman John Lorenzo Togay-an Jr. mula sa probinsiya ng Benguet, si Pat Resty Paclay Bayog mula sa probinsiya ng Kalinga, at Pat Halteric Quezon Pallat na nagmula sa probinsiya ng Apayao.
Sila ay tauhan ng 2nd Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC) naging biktima sa pagtaob ng kanilang Bangka habang tumatawid ng Apayao River sa Langnao in Calanasan, Apayao, noong biernes ng umaga. Sila ay bahagi ng pitong kataong pangkat na nagsasagawa ng follow-up investigation at operasyon sa possibleng pagkaaresto ng isang suspek na may kaugnayan sa insidente ng barilan kamakailan lamang sa Calanasan, Apayao.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Pro-Car regional director Police Brig. 𝗣𝗕𝗚𝗘𝗡 𝗗𝗔𝗩𝗜𝗗 𝗞 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗗𝗢, 𝗝𝗥 sa pagkawala ng tatlong matatapang na tauhan ng Apayao Provincial Police Office. Sinabi ni Police Brig. General Peredo Jr. ang aming puso punong puno ng kalungkutan habang kami ay namimighati sa pagkawala ng tatlong magigiting na tauhan habang kanilang isinasagawa ang kanilang tungkulin. Anya ang kanilang dedikasyon sa kanilang tungkulin at pangako sa hustisya ay panghabang panahon na maalaala. Kanyang idinagdag ang pakikiramay sa pamunuan at tauhan ng Apayao Provincial Police Office , na mga naulilang pamilya, sa kanilang kaibigan, at kakilala sa panahon ng pagdadalamhati na may kasamaang panalangin nawa nakita nila ang kapayapaan at kaginhawaan na alam natin na ang kanilang mga mahal sa buhay ay mga tunay na bayani. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-CAR)