La Trinidad, Benguet – Pinapurihan na lokal na gobierno ng La Trinidad, Benguet ang mga magsasaka dahil sa pagiging matatag ng mga ito sa panahon ng pagsubok tulad ng Bagyong Egay.
Pinapurihan ng La Trinidad Municipal Agriculturist Office ang mga magsasaka ng naturang munisipyo sa pagiging matatag ng mga ito. Ito ang sinabi ni La Trinidad Municipal Agriculturist Officer Nida Organo, hindi na hinihintay ng mga magsasaka ang tulong mula sa gobierno at ginagawa na nito ang kakayahan upang muli silang bumangon mula sa pagkalugmok sa bagyong Egay.
Sinabi ni Ginang Organo na karamihan sa mga magsasaka ay nagtanim na muli at patuloy silang gumagawa ng pagsasagawa ng mga nasirang tunnels at green houses para sa susunod napag – aani.
Ayon sa Municipal agriculturist, matinding sinalanta ng bagyo ang mga green houses ng kanilang susunod na mga pananim.
Anya umaabo sa P41-M ang naitalang pagkasira sa mga strukturang pangsakahan at ang mga green houses samantalang 16 na milyong piso ang sirang dulot sa mga pananim.
Karamihan sa mga nasira sa La Trinidad, Benguet ay ang tinatawag na lettuce green ice. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)
