Baguio: Mga kapakanan ng mga resedenti sa communidad isinasanguni ng Mayor

0
7

Baguio City – Hinihikayat ni Mayor Benjamin Magalong ang mga taga Baguio na maging mapagmasid sa kanilang kapaligiran upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa kasalukuyan, ang lungsod ng Baguio ay nakakaranas ng pabugsu-bugsung pag-ulan na nangyayari sa nakalipas na linggo.

Nagsusumamo ang Ama ng Baguio sa mga naninirahan sa gilid ng burol, sa gulod at malapit sa mga bangin na palagiang tignan ang kanilang kapaligiran upang makaiwas sa insidente tulad ng pagguho ng lupa.

Sinabi ni Mayor Magalong na ang mga nakalipas ng mga bagyo at patuloy na pag ulan ay nagdulot ng pagkasira ng marami sa kalsada ng lungsod at mga daanan.

Anya, ang pagsasaayos ng mga nasirang kalsada ay hindi mauumpisahan kung hindi maganda ang panahon. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

Leave a Reply