Saturday, May 18, 2024

Baguio: Mga kahalok sa Vice Governors League of the Philippines, bumisita sa La Trinidad, Benguet

- Advertisement -

Bumisita ang mga kahalok ng League of Vice Governors of the Philippines sa La Trinidad noong Viernes, Hunyo a 16, 2023.

Mainit na pagtanggap ang ipinakita ni Mayor Romeo Salda sa mga kahalok kasabay ng pagdiriwang ng ika 73rd Foundation Anniversary ng naturang munispyo. Ipinakita ni Mayor Salda sa mga bumisita ang sisterhood activities nila na Product Fair at ang pagsagawa ng IP basketball na kung saan ay nakabahag ang mga manlalaro.

Matapos ito, nagpunta ang mga kahalok sa La Trinidad Trading Post na kung saan ipinaliwanag sa kanila ang bagsakan ng gulay na nagmula sa iba’t ibang munisipyo ng Benguet at ng La Trinidad.

Ayon kay Bise Gobernador Ericson Felipe, ang pagdating ng mga kasama niyang bise gobernador ng bansa ay bahagi ng ika 93rd National Assembly ng mga ito na kung saan ang probinsiya ng Benguet ang host ng naturang gawain. Ipinaliwanag niya na bahagi ito ng capability building activity nila na nag-umpisa pa noong Hunyo a 14 at nagtapos ito noong Hunyo a 17. Kanyang idinagdag na bumisita rin sila sa mga iba’t ibang pasyalan sa probinsya.

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -