Baguio: Mga kagamitan sa paaralan panpubliko kulang parin

0
7

Baguio City – Para-Publikong paaralan sa Baguio City, nanatiling kulang ng mga gamit kahit na ito ay tumatanggap ng pondo mula sa lokal na gobierno.

Inamin ng isang opisyal dito sa lungsod ng Baguio kahit na may taunang pondo ang inihahanda para sa Department of Education o Dep-Ed-Baguio ay nagkukulang pa rin sa gamit ang aabot sa 67 na pampublikong paaralan dito sa lungsod lalo na sa “computer” na kailangan ng mga estudyante.

Ayon kay Konsehal Vladimir Cayabas, marami din sa mga paaralan na kulang ang “classrooms” kahit na taon taon nakakatanggap ang Dep-Ed ang “share” o bahagi nito mula sa nasisingil na “Real Property Tax” sa siudad na mula sa mga mamamayan. Ito ay para sa “Special Education Funds” o ang SEF nito.

Maliban sa share” o bahagi nila mula sa SEF, ganon din na tumatanggap sila ng pondo mula sa “General Funds” ng lungsod ngunit kulang pa rin ito. Dahil dito, gustong kilalanin ng lokal na gobierno ang mga donors ng Dep-Ed dahil sa bigo nitong makakakuha ng tulong o pondo lalo na sa kagamitan ng mga paaralan upang bumuti pa ang dekalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga estudyante nila.

Kamakailan lamang, nakatanggap ang Fort Del Pilar National High School at Fort Del Pilar Elementary Schools ng mga computer mula sa di kilalang donor.  Naibigay ito sa kanila sa pamamagitan ng JV Ongpin Foundation at sa tulong din sa mga miyembro ng Supreme Government Council ng mga nasabing paaralan.

Kaugnay nito, sinabi pa ng naturang konsehal na ngayon lang taon na umabot sa 98 milyon pisos ang ibinigay ng lokal na pamahalaan na share ng Dep-Ed para sa SEF ng mga ito. Nakatanggap din sila ng karagdagang 30 milyon pisos mula sa general funds ng LGU.

Sa kasalukuyan, ayon sa naturang konsehal na chairman ng “Committee Chair on Education, Culture, Creativity and Historical Research ng City Council ay aabot sa humigit kumulang sa 60 “thousand” ang kabuuang bilang ng mga estudyante para sa pampublikong paaralan dito sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of Office of Coun. Cayabas)

Leave a Reply