31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Mga Home Stay sa Sagada, Mt. Province puspusan dinadagdagan para sa mga turista na pumapasyal sa lugar

- Advertisement -

Sagada, Mt. Province – Mga nagbubukas na Home Stay business sa Sagada, Mt. Province dumarami.  Nadaragdagan ang mga home stay na nabuksan sa Sagada, Mt. Province.

Ayon kay Mayor Felicito Dula, Isa ito sa mga patok na negosyo doon. Sinabi niya na noong panahon ng pandemya ay kanilang binigyang pansin ng mga mamamayan doon na magpatayo ng gusali o struktura para sa home stay.

Sinabi niya may mga kasalukuyang nagpapagawa at hinihintay na lamang na magbukas.  Ang home stay ay tinutuloyan at pwedeng pagtulugan ng mga bisita at turista na namamasyal sa iba’it ibang tourist spots sa Sagada.

Sinabi ni Mayor Dula na ang Sagada ay isang 5th class municipality ngunit isa sa ipinagmamalaki na tourist area ng Mt. Province. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -