28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: Mga dating miyembro ng NPA sumuko sa pamayanan

- Advertisement -

Kalinga City – Tatlo sa mga dating miyembro ng Militia ng Bayan ng CPP’s armed wing na New People’s Army ang sumuko sa mga may kapangyarihan sa Camp Juan M.  Duyan, Kalinga.

Isinuko nila ang M1 Carbine, home-made shotgun at isang Cal. 38 Paltik sa Kalinga Police Provincial Office. Ayon sa ulat, Ang isa sa mga sumuko ay mula sa Lubuagan Samantalang ang isa rito ay taga Tinglayan.

Napag alaman na ang isa sa kanila ay sumapi noong labing limang taong gulang lamang at nagsilbi ito bilang rebelde sa loob ng pitong taon.

Nagdesisyon sila na magbalik loob sa gobierno para na rin sa kanilang pamilya lalong lalo para sa kanilang mga anak.

Inaasahan nila na pamamagitan ng kanilang hakbang na tinahak ay mabibigyan sila ng mabuting buhay ang kani -kanilang pamilya. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kalinga Police Provincial Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -