Baguio: Mga boat concessionaires at operators mandato ng bantayan ang mga sumasakay sa mga bangka

0
8

Baguio City – Pagbabantay sa mga sumasakay ng mga bangka sa look ng burnham, isasagawa ng mga boat concessionaires at operators. Ito ay gagawwin para masubaybayan ang mga namamangka doon.

Ipinaliwanag na ang pagbabantay sa mga bangka na nasa gitna na lawa nakapwesto ang isang tao na may dalang  naka-megaphone upang masubaybayan, makita at  ipakilala sa bawat pasahero  ang dapat hindi gawin habang namamangka.

Dahil sa mayroong mga iba’t ibang mga namamangka na nakatayo habang namamangka na maaring maging sanhi ng aksidente.

Sinabi ni Hilda Balana isa sa mga boat concessionaires na may panuntunan na sinusunod nila kung saan ang bawat boat concessionaires o may ari ay may kinatawan na magbabantay sa mga namamangka. Sinabi nila nag umpisa silang magsagawa ng pagbabantay sa lawa matapos ang insidente na may bumaliktad na bangka doon.

Ang ginagawa nilang hakbang ay para sa kaligtasan ng mga namamangka kahit na gumagamit pa ang mga ito ng life vest. (Joel Cervantes, photo courtesy of Burnham Lake file)

Leave a Reply