28.7 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: Mayor Romeo Salda ng La Trinidad, Benguet nakilahok sa programa ng VAWC

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Nagsimula na ang 18 araw na kampanya upang wakasan na ang karahasan sa mga kababaihan sa bansa. Ito ay ayon kay Miss Janelyn E. Tuyan, isang national educator ng Violence Against Women Free Philippines.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Miss Tuyan na ninanais nitong maging malaya ang mga kakababaihan mula sa mapang abusong tao tulad ng asawang lalaki, o ng maging amo na kanyang pinapasukan na trabaho at iba pa. Sinabi rin niya na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pribado at pampublikong ahensiya, masusugpo o dili naman ay mababawasan ang pang aapi sa mga kababaihan.

Kanya itong ibinahagi sa pasimula ng kampanya upang wakasan ang karahasan sa mga kababaihan sa isang pagtitipon, na dinaluhan ng mga opisyal ng munisipio sa pangunguna ni Mayor Romeo Salda at ng mga opisyal ng barangay at emplado ng Munisipio, sa La Trinidad Municipal Gymnasium sa La Trinidad kahapon ng umaga.

May mga paksang tatalakayin sa kampanya na magsisimula sa November 25 hangang December 12, 2022. Ito ay ang mga sumusunod: Understanding healthy and unhealthy relationship, Focus Group for teenage mothers, continuing arts and play activities, Capability building for women survivors and parents of abused children, poster making contest for high school students, multi-disciplinary team training at strengthening partnership.

Para sa karagdagang katunungan, magpunta sa La Trinidad Municipal Social Welfare and Development Office sa Munisipio ng La Trinidad. Ang thema ng Kampanya ay” United for a VAW FREE PHILIPPINES.”

Ayon kay Khallil Gibran, na isang American academician, sa wikang English “Safeguarding the rights of others is the most noble and beautiful end of a human being”. (Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -