Baguio City – Inutos ni Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City Police Office na paigtingin nito ang kampanya laban sa illegal na sugal matapos makatanggap ang punong ehukutibo ng report hingil sa tinatawag na illegal na pasugalan sa ilang mga barangay sa lungsod.
Batay sa ulat na natanggap ng opisina ni Mayor Magalong, ang mga di umano ay mga pasugalan ay matatagpuan sa Otek Street, Kayang Street at legarda road. Ipinarating ni BCPO operations Chief Lt. Colonel Domingo Gambican sa isinagawang third quarter meeting ng City Peace and Order Council na may mahigit sa 9 operasyon sa hinihinalang illegal na pasugalan ang kanilang isinagawa sa buwan ng Agusto at Septiembre ngayong taon na nagresulta sa pagkahuli ng 29 na katao.
Idinagdag ni Gambican na nakakumpiska ang Baguio City Police Office ng perang nagkakahalaga ng 9,418 pesos sa kanilang isinagawang anti-illegal gambling operations. Matatandaan sa kanyang pag upo bilang Mayor ng Lungsod sa una nitong termino noong 2019, kanyang inutusan ang BCPO na ipahinto ang lahat ng klase ng illegal na sugal dito sa lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes, photo courtesy of BPCO-Baguio city)
