Baguio: Mayor Benjamin Magalong may babala sa publiko patungkol sa mga manloloko lalong lalo na ngayong kapaskuhan at bagong taon

0
6
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Nagbabala si Mayor Benjamin Magalong sa publiko lalong lalo na mga turista na maging maingat lalo na sa paghahanap ng matutuluyan sa lungsod ng Baguio upang makaiwas sa pagiging biktima ng mga manloloko.  Naglabas ng babala ang alkalde sa gitna ng mga ulat ng panloloko pinuputirya ang mga turista sa paggamit ng  mapanlinlang ng mga listahan o ang mapanlinlang na gawain upang pagsamantalahan ang mga taong walang pagaalinlangan.

Binigyang diin ng Alkalde ang kagahalagahan ang tiyak na ligtas at walang alalahanin na karanasan sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kinauukulan kung legit ba ang naturang tirahan bago magsagawa ng booking.  Maari kayong magtanong sa Baguio Tourism Council patungkol sa mga  accomodation establishments upang matiyak na ang inyong napiling bahay o establisimento ay lisensiyado at lehitimo sa pamamagitan ng pagbisita sa Baguio Visita website. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)

Leave a Reply