Monday, May 6, 2024

Baguio: Mayor Benajmin Magalong inutusan na ang City Health Services Office na simulan na ang laban sa Dengue

- Advertisement -

Baguio City – Inutusan ni Mayor Benjamin Magalong ang City Health Services Office na magsimula ng magsagawa ng mga programa kontra sa Dengue Fever at maiwasan ang panganib ng biglang paglitaw nito habang malayo pa ang panahon ng tag-ulan.

Kasama rito ang pagpapatuloy ng “Denguerra – o gueriya laban sa Dengue” program, isang pinaigting na kampanya upang pangunahan ang mga barangays na magsagawa ng malawakan at sabay sabay Search and Destroy Operations kada Jueves upang alisin ang lahat ng pinamumugaran ng mga lamok at lahat ng paraan upang mapahinto ang pagdami ng mga lamok na nagdadala dengue.

Sinabi ng mayor na ang dengue ay isang problemang kalusugan na dumarating bawat taon, ang kaso ay tumataas sa panahon ng tag ulan nararanasan sa buwan ng hunyo hangang Oktubre.

Sa mas maagang panahon, anya ay kinakailangan na natin na magsagawa na ng mga hakbang upang matanggal ang pinamumugaran ng mga lamok upang ang mga ito ay hindi na mabuhay.

Sa ngayon, ang City Health Services Office sa pamamagitan ng buong taon na programa kontra sa dengue ay kinabibilangan ng Information-Education-Communication (IEC) campaigns na nagpapaalaala sa mga taga lungsod ng Baguio na sanayin ang 5S Strategy: Manatiling malusog at uminom ng tubig ng palagian. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img