Baguio: Matatagalan ang renewal ng special permits ng mga aplikante na may pending applications

0
36

Baguio City – Kamakailan lamang pinayagan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng lungsod ng Baguio ang pagpapalabas ng special permits sa lahat ng mga aplikante na may naka-pending applications ng kanilang business permit renewa kaso ito ay tatagal hanggang matapos ang paglalakad ng naturang permit sa Marso ng susunod na taon na itinakda ng Permits and Licensing Division ng City Mayor’s Office.

Sa ilalim ng City Resolution No. 675, series of 2023, ang mga lokal na mga mambabatas ang nagsabi na ang pagtatasa at pagbabayad ng business permits ay nakatakda bawat taon para sa mga business owners na may family o corporate names nag uumpisa sa letrang A hanggang H – sa Enero; I hanggang P – Pebrero at Q hanggang Z at doon sa nag uumpisa sa numeric o special characters – buwan ng Marso.

Napag-isipan ng lokal na konseho na upang tulungan ang mga negosiante at ang pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod ng Baguio, ang pagpapalabas ng business permits kahit na may naka-pending applications ang mga ito ay papayagan silang magnegosyo sa lungsod ng Baguio upang makatulong sa paglago ng ekonomiya at pag unlad dahil sa ituturing ang lungsod ng Baguio bilang trade center ng Cordillera. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio city PIO)

 

Leave a Reply