Baguio: Marijuana eradication naisagawa sa Bakun at Kibungan, Benguet

0
11

Bakun, Benguet – Aabot sa mahigit na P2,720,000.00 ang kabuuan ng mga tanim na Marijuana ang nadiskubre ng mga police sa Ding-ding Barangay Tacadang, Kibungan. Ito ay resulta ng marijuana eradication na isinagawa ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company sa huling araw ng Pebrero nitong taon.

Ayon sa ulat, natuklasan ng mga police ang 20 gramo na pinatuyong marijuana stalks, na nagkakahalaga ng P2,400,000.00 sa isang lugar. Samantalang nakarecover ng 600 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P320,000.00 na naitanim sa communal forest sa nasabing lugar.  Walang natagpuan ang mga pulis na manananim at agad nilang sinunog ang mga illegal na mga tanim.

Sa iba pang Marijuana eradication, binunot ng mga pinagsama samang operatiba ng Benguet Provincial Police Office at ng Bakun Municipal Police Station ang kanilang natagpuang Marijuana plants sa Bakun. Naitanim ang mga ito sa isang communal forest sa Sitio Caang at Indadangan, Barangay Kayapa.

May kabuuang 2,240 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P448,880 ang binunot at sinunog ng mga maykapangyarihan. Ang nasabing operasyon ay isinagawa noong Pebrero a 25 na pinangunahan ni Benguet PPO Provincial Director Damian Olsim. (Joel Cervantes, photo courtesy of PPO Benguet)

Leave a Reply