Baguio: Marijuana eradication naganap sa Bakun, Benguet

0
23

Bakun, Benguet – Nagpatupad ng Marijuana eradication operations ang mga tauhan ng Bakun Municipal Police Station noong Viernes Hunyo 30, ng taong ito nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang taniman sa Sitio Liblibo at Nalbo, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Umaabot sa 70 pirasong fully grown marijuana plants o ang ganap na laking mga tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng ₱14,000.00 ang binunot ng mga maykapangyarihan sa nasabing mga taniman.

Ang mga ilegal na mga pananim ay sinunog mismo sa nasabing lugar at kumuha din sila ng ilang sample upang isumite sa Regional Forensic Unit Cordillera para isailalim sa qualitative test. (Joel Cervantes, photo courtesy of Bakun MPS)

Leave a Reply