Bokod, Benguet – Inihayag na a fire out ang mga magkakasunod na sunog sa kagubatan sa munisipio ng Bokod, Benguet. Ayon sa Bureau of Fire Protection – Bokod, naihayag na napatay na ang sunog na huling nangyari sa bahagi ng Barangay Ekip, ng alas diyes ng umaga noong Marso 26, 2023.
Naihayag din na napatay na ang sunog na nangyari sa bahagi ng Barangay Bila at ganon din sa Barangay Poblacion at Barangay Karao sa parehong araw. Nagpasalamat ang BFP – Bokod sa lahat ng tumulong sa kanila upang mapatay ang mga nasabing sunog sa kagubatan.
Magsasagawa ang BFP – Bokod ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring sunog sa kagubatan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Bokod)