Baguio City – Pinarangalan ang lungsod ng Baguio City bilang isa sa tumanggap ng 4Ps Pagpupugay 2024: Pagbibigay Parangal at Pasasalamat para sa mga Kaagapay ng Programa. Dahil dito ang lungsod ng Baguio ay tumanggap ngΒ Plaque ng pagkilala mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office-Cordillera Administrative RegionΒ o ang DSWD FOCAR.
Ang naturang kaganapan ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagpapatibay ng pagtutulunganΒ sa pagitan ng ahensiya ng gobierno at ng mgaΒ civil society organizations upang itaguyod ang inisyatiba sa serbisyong panlipunan o sa wikang English ang social welfare initiatives, nakapag ambag sa tagumpay ngΒ Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Tinanggap nila Engr. Leandro Tabilog ngΒ City Mayor’s Office at si binibiningΒ Cynthia Langagan ngΒ City Social Welfare and Development Office – CSWDO Baguio City na kumakatawan sa lungsod ng Baguio saΒ seremonya ng paggawad naganap sa Newtown Convention Center sa Navy base, lungsod ng Baguio noong araw ng biernes. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
