Baguio: Lubo Lake matatagpuan sa Kibungan, Benguet magiging tourist destinasyon kung malutas ang problema kung sino ang may-ari

0
1

Lubo, Kibungan, Benguet – Hangad ng lokal na gobierno ng Kibungan ang pagkakalutas ang pag aari ng Lubo Lake sa barangay Lubo upang pormal na itong maisama sa mga tourist destinations sa Kibungan.

Ayon kay Kibungan Mayor Cesar Molitas, sa sandaling ito ay nananatiling nakasara pa rin ito sa mga bisita o mga turista habang hindi pa ito nalulutas kung ang may ari nito. Ipinaliwanag ng naturang mayor na ang naturang lugar ay binili umano ng isang kompanya ng minas na pinapatakbo noon sa nasabing munisipio ngunit matagal na itong iniwanan. Dahil dito, sinabi ni Molitas na di pa nila binibigyan ito ng permit upang maiwasan ang away o reklamo.

Hiniling ng nasabing opisyal ang tulong ng kinauukulang mamamayan ng nasabing barangay para sa paglutas ang ownership ng nasabing lawa sa lalong madaling panahon at kung masasaiayos na at sa sandaling mabuksan na ito ay maari nang itaguyod ang lawa ng lubo para mga turista. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kibungan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here