Baguio: Lokal na pamahalaan ng Itogon at SN Aboitiz Power Benguet pumirma ng P2.2 milyong piso halaga ng Corporate Social Responsibility na kasunduan

0
15
photo courtesy of LGU Itogon

Itogon, Benguet – Pumirma ang lokal na pamahalaan ng Itogon the Local Government Unit of Itogon, sa pangunguna ni Mayor Bernard S. Waclin, at SN Aboitiz Benguet (SNAPB), sa pamamagitan ng kinatawan ng pinuno ng Plant Support Services na si Rose F. White.

Ang pirmahan ng kasunduan ay naganap sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng SNAP-BI para sa SNAP-BI’s Corporate Social Responsibility (CSR) program nito.

Kinilala ni White ang pagsisikap ni Mayor Waclin na ang pondo ng CSR ay tumaas na ng P700,000.00 na nagdala sa kabuang P2.2 milyong piso kung ihahambing sa dati ay P1.5 milyong piso.

Ang pirmahan ng MOA o kasunduan ay sinaksihan ni Vice Mayor Dante Alain Xavier D. Godio, Municipal Administrator Arnel F. Bahingawan, Councilor Clint D. Galutan, LGU department heads, officers from the Philippine National Police, at ng Bureau of Fire Protection.

Ang pondo ng CSR ay ilalaan sa pagbili ng isang sasakyan upang mas lalo pang makatulong sa serbisyo publiko.

Kung inyong matatandaan, ang SNAP Benguet ang may ari at siyang nagpapatakbo ng 140-megawatt Binga hydroelectric plant sa Binga, Tinongdan. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-CAR)

Leave a Reply