29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Baguio: Lokal na konseho ng lungsod pinapurihan ang pagtatag ng Tourist Police Mascot

- Advertisement -

Kamakailan lamang ang lokal na opisyal ng lungsod ng Baguio ay pinapurihan ang Tourist Police Mascot nito na si Sgt. Baguio City Tourist Police na mas kilala bilang si  Sgt. TO-PO, ang kauna-unahang Tourist Police Mascot ng Baguio City Police Office upang mabighani ang puso ng mga taga Baguio at maging ng mga turista.

Layunin ng pagkakaroon ng Tourist Police Mascot na mapaganda ang imahe ng ating pulis sa mata ng publiko kasama dito ang mga taga Baguio at ng mga turista.

Si Sgt. TO-PO ay isang mascot na pinag-isipan o isang konsepto ng Police Regional Office–Cordillera na ranggong Police Staff Sergeant.

Ang kompletong pangalan ng mascot  ay si Sgt. Baguio City Tourist Police, unang pangalan – Baguio, ang  gitna  – City, o suidad at ang apilido o surname – Tourist Police o mas kilala bilang si  Sgt. Tourist Police o  sa maikling salita si Sgt. TO-PO.

Ang naturang tourist police mascot ay ginawa upang mabihag ang puso ng kommunidad bilang tagapagtaguyod ng kalikasan, ng mga batas lokal, bilang tagapangalaga ng kapayapaan, at tagapagtanggol ng mga naaapi at kaibigan ng mga bata.

Ayon sa lokal na konseho, ang Mascot ay matagumpay na nakatulong sa pagpapaganda ng imahe ng Philippine National Police lalo sa Baguio City Police Office at ng Tourist Police Unit nito ayon sa community participation at patuloy sa maraming bilang  imbitasyon ng madla.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office))

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -