29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: Local Government ng Benguet, nakatanggap ng 200 Tablets at Power Bank

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Nakatanggap ang lokal na gobierno ng Benguet ng aabot na 200 na tablets at power bank mula sa SN Aboitiz Power – Benguet. Ang mga tablets ay personal na tinanggap ni Governor Melchor Diclas kay Ms. Rosalyn White, Plant Support Service Manager at ni Mr. Ramon Capsula, ang Senior Community Relations Officer.

Sinabi ni Governor Diclas na maipapamahagi ang mga tablets sa mga municipal at barangay LGUs ng probinsya dahil sa makakatulong ito sa pagsasagawa ng Community Based Monitoring System program ng Philippine Statistics Authority o ng CBMS.

Sa kasalukuyan, may mga munisipyo pang nagsasagawa ng house to house survey sa ilalim ng CBMS o ng Community Based Monitoring System. Ang CBMS program ay isang organized technology – based system sa panangkolekta, pagproseso at pag-validate ng mga datus at mga impormasyon na pagbabasihan at magagamit sa pagplano, at sa pagsasagawa ng mga programa ng gobierno na maaring makinabing ang mga mamamayan.

Samantala ang mga naibigay na mga tablets at power banks ay bahagi ng Corporate Social Responsibility ng SNAP – Benguet sa mga mamamayan ng probinsya. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet & SN Aboitiz)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -