Baguio City – Limang munisipyo sa probinsiya ng Benguet ang nagpahayag ng malakas na pagsuporta sa pagbabago o renewal ng prangkisa ng Benguet Electric Cooperative sa Senado. Ang mga ito ay ang munisipyo ng Bakun, Atok, Tuba, Kapangan at Kibungan ay nagpasa ng kani -kanilang resolusyon upang suportahan ang house bill ng mababang kapulungan papunta sa Senado para sa kanilang pagpasa.
Ang resolusyon ay sinusuportahan ng House Bill o ang panukalang batas na may bilang na No. 10483, ang naturang bill ay ipinasa ng mababang kapulungan sa pag akda ni Kongresista Mark Go ng lungsod ng Baguio at ni Kongresista Eric Go Yap ng probinsiya ng Benguet. Ang mga resolusyon ay may magkakaparehong pamagat ““Resolution Strongly Supporting and Endorsing the Enactment Into Law of House Bill 10483 na may pamagat na : ““An Act Granting Benguet Electric Cooperative (BENECO) A Franchise to construct, Install, Establish, Operate, Own, Manage, and Maintain, a Distribution System for the Conveyance of Electric Power para sa gumagamit sa lahat ng munisipyo ng probinsiya ng Benguet at ng lungsod ng Baguio. Sinabi ng resolusyon ng mga naturang munisipyo ang pambihirang pagganap ng BENECO bilang isang kooperatiba ng kuryente, a pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang pagsipi at parangal na tanggap nito. Sila rin ay kinilala sa dedikasyon at pangako ng BENECO sa pagsisilbi sa mga kasapi na may ari na gumagamit ng kuryente o member consumer owners simula pa noong taong 1973 kasama ang pagsisikap na magbigay ng sapat na supply ng kuryente sa makatwiran, reasonable at mapagkumpitensiyang presyo ng kuryente. Kung inyong matatandaan, Ang 50 taong prangkisa ng Beneco ay ibinigay noong Marso taong 1978 at magtatapos ito sa Marso taong 2028. Apat na taon na mas maaga pa, ang pamunuan at ng Board of Directors ng Benguet Electric Cooperative ay nagsimula ng magtrabaho ng mga papeles na kinakailangan para sa renewal o pagbabago ng prangkisa nito.
Samantala, Ang Sangguniang Bayan ng Kibungan ay nagpahayag ng pagsuporta sa renewal ng prangkisa ng Benguet Electric Cooperative. Nagpahayag ng pagsuporta ang Sangguniang Bayan ng Kibungan sa Benguet Electric Cooperative para sa renewal ng prangkisa nito. Isang sipi ng naturang resolusyon ang ibinigay ni Kibungan Sangguniang Bayan Secretary at dating konsehal Octavio Placido ang ibinigay kay Beneco General manager Melchor Licoben. Ito ay linalaman ng Kibungan Sangguniang Bayan resolution number 118-2024 na humihiling sa Senado na ipasa sa batas ang prangkisa ng Benguet Electric Cooperative. Una rito ang Committee on Franchise ng mababang kapulungan ay ipinasa na ang House Bills Nos. 6145 at 9402 na himihiling sa renewal ng prangkisa ng BENECO nakatakdang magpaso o mawawalan ng bisa sa taong 2028. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: BENECO)